tanging ikaw

ikaw ang malamig na simuyo sa aking gabi,

na nagbibigay init sa aking mga paggunita;

parang mga salitang ayaw magmula sa labi,

ngunit sadyang ninanais na isulat ng mga tala…

sa’yo nagmumula ang aking ngiti sa kawalan,

habang nagtataka sa akin ang buong mundo;

tanging ikaw lang ang naiisip na takbuhan,

kahit na ang pag-iisip ko’y sinasadlak mo sa gulo…

ikaw lamang ang matagal ko ng hinihintay,

kahit na mga alaala mo’y sa aki’y nagpapanggap,

ikaw man ang sanhi ng malungkot kong paghimlay,

ngunit ‘di ako titigil, makanakaw lang ng isang sulyap…

mas pipiliin ko ang maghintay kahit lubusang masaktan,

kaysa mahulog sa panaginip na kathang-isip lamang…

Bookmark and Share

Leave a Reply